Gawad Kalinga Theme Song
Please watch this video… and learn the song.
It has a really touching message. Bagong bahay, bagong buhay, bagong bayan!
Lyrics:
Ako ay isang anak dukha
Sa murang edad napariwara
Hanggang kailan ba ako maghihirap ng ganito?
Sana’y tulungan mo akong magbago
Ako ay isang anak mayaman
Lahat ng layaw koy natutugunan
Subalit ayaw kong magpahirap sa bayan
Sana ako rin ay inyong tulungan
Ako ay tunay na Pilipino
Sa isip, salita, at gawa
Dugong dumadaloy sa aking katawan
Iaalay sa bayan kong mahal
Gawad pag-ibig, Gawad Kalinga
Ito’y kailangan upang magkaisa
Pilipino ‘pag kumilos kakayanin ang lahat
Bagong bahay, bagong buhay, bagong bayan
Sisikapin kong maging tapat
Sa Diyos at bayan kong sinilangan
Kabataan ngayon, pag-asa ng bukas
Gumising at kumilos para sa bayan
Kapit bisig, kapitbahayan
Isulong ang naghihirap na bayan
Sa ngalan ng Diyos mangyayari ang lahat
Mahirap at mayaman magtulungan
Gawad pag-ibig, Gawad Kalinga
Ito’y kailangan upang magkaisa
Pilipino ‘pag kumilos kakayanin ang lahat
Bagong bahay, bagong buhay, bagong bayan
Tulong sa pagsulong lahat tayo’y magbigayan
Tunay na pagmamahal bigay sa’tin ng Maykapal
Dala ko’y martilyo’t pako, itayo ang bayan ko
Mahirap o mayaman, Pilipino’y may dangal
Gawad pag-ibig, Gawad Kalinga
Ito’y kailangan upang magkaisa
Pilipino ‘pag kumilos kakayanin ang lahat
Bagong bahay, bagong buhay, bagong bayan
Gawad pag-ibig, Gawad Kalinga
Ito’y kailangan upang magkaisa
Pilipino ‘pag kumilos kakayanin ang lahat
Bagong bahay, bagong buhay, bagong bayan
Gawad Kalinga!
Leave a Comment
If you would like to make a comment, please fill out the form below.


Hi Mikyu, I share your feelings on the message of this song. Never has there been a song that burned with the love of God, nationalism, hope, and love for the poor.
Together, we will build “bagong bahay, bagong buhay, bagong bayan”. Gawad Kalinga!
Reply